--Ads--
Nasa huling yugto na ang Department of Justice o DOJ sa paghahanda ng extradition petition laban kay Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy.
Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, isinasagawa na lamang ang huling legal review sa mga dokumento bago ito ihain sa lokal na korte.
Layunin ng DOJ na matiyak na naaayon ang petisyon sa 1994 extradition treaty ng Pilipinas at Estados Unidos at sa mga bagong tuntunin ng Korte Suprema sa extradition proceedings.
Kasalukuyang nakakulong si Quiboloy sa Pasig City Jail dahil sa mga kasong qualified human trafficking at child abuse and exploitation.
--Ads--
Hinahanap din siya ng isang korte sa California kaugnay ng umano’y sex trafficking, kabilang ang trafficking ng mga menor de edad.










