--Ads--
JEREMIE, HAITI – AUGUST 14: A photo shows damaged buildings as people inspect after a 7.2 magnitude earthquake struck the country on August 14, 2021, in Jeremie, Haiti. The earthquake’s epicenter was 12 kilometers (7.5 miles) northeast of Saint-Louis-du-Sud, with a depth of 10 kilometers (6 miles). (Photo by Stringer/Anadolu Agency via Getty Images)

CAUAYAN CITY –  Patuloy na nakamonitor sa Haiti ang Department of Labor and Employment (DOLE)  para malaman ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW)  Pilipino roon matapos ang 7.2 magnitude na lindol.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na wala pang silang natanggap na report na may Pilipino na nadamay sa lindol sa Haiti.

Tinatayang aabot aniya sa 5,000 ang Pilipino sa naturang bansa at karamihan sa kanila ay mga  hotel at agricultural workers.

Ayon kay Secretary Bello, awtomatik  na magbibigay ng tulong ang DOLE at Department of Foreign Affairs (DFA) sakaling may Pilipinong nasugatan o nasawi  sa pagguho ng mga gusali sa naganap na lindol sa naturang bansa.

--Ads--
Ang pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello