CAUAYAN CITY – Naiinip na ang kalihim ng Department of Science and Technology (DOST) sa pagkakadelay ng pagpapalabas ng World Health Organization (WHO) sa listahan ng mga COVID-19 vaccine na isasailalim sa solidarity trials.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni kalihim Fortunato Dela Peña ng DOST na boong October 26, 2020 pa inihayag ng WHO na ilalabas nila ang listahan ng mga bakuna na gagamitin sa solidarity trials subalit hanggang ngayon ay wala pa.
Dahil dito, sinabi niyang naiinip na siya sa paghihintay dahil pinaghandaan na nila ito.
Ayon sa kay Kalihim Dela Peña, ang responsibilidad lamang ng DOST ay ang evaluation at selection ng mga bakuna.
Sa ngayon ay nasa 20 na kompanya na ng bakuna ang gustong magsagawa ng clinical trials sa bansa subalit ang nasa phase 3 pa lamang ay ang Sinovac at Sinopharm ng China, astronomical ng United Kingdom at Gamaleya ng Russia.
Bukod dito ay may dalawa pang kumpanya na nakikipag-ayos para sa bilateral trials na kinabibilangan ng Janssen ng Estados Unidos at Clover ng China.
Dagdag pa ng kalihim na mayroon ding gustong magpasok ng bakuna sa Pilipinas pero hindi dadaan sa trials kaya diretso na sila sa Food and Drug Administration (FDA).











