--Ads--

CAUAYAN CITY– Isinagawa ngayong araw ang drive thru free CCOVID-19 testing bilang hakbang ng pamahalaang Lunsod ng Santiago upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa City Health Office (CHO), bahagi pa rin ang drive thru free COVID-19 testing sa una nang isinagawang aggressive community testing sa Santiago City na ginanap sa iba’t ibang testing sites na nagsimula noong January 25, 2021.

Kabilang dito ang Santiago North Central School, Integrated Transport Terminal Complex ( ITTC) , San Andres Community Center at Arcade 1 New Public Market.

Ngayong araw ay ginamit naman ang drive thru scheme Testing sa ITTC 4-lanes Malvar upang masuri ang mga residente sa labas ng lunsod na nais makasiguro sa kalagayan ng kanilang kalusugan.

--Ads--

Wala namang kinailangang dokumento o papeles sa pagtungo rito at naging bukas din sa lahat.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Health Officer Dr. Genaro Manalo, sinabi niya na marami rin ang nagtungo sa swabbing area na kinabibilangan ng magkakamag-anak, mga sundalo na mula sa Jones, Isabela, ilang empliyado ng mga bangko sa Jones, San Isidro at Lalawigan ng Ifugao.

Pakiusap lamang nito sa mga nakuhanan ng specimen na manatili sa kanilang tahanan habang hinihintay ang resulta.

Maari aniyang makita ang kanilang resulta online gamit ang ibinibigay nilang barcode at sa pamamagitan ng link o maari ring sa email o makukuha sa CHO para sa mga nangangailangan ng hard copy.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Genaro Manalo