--Ads--

CAUAYAN CITY- Binawian ng buhay ang tsuper ng motorskilo at back rider nito matapos mabangga ng pick up truck sa Brgy. Sili Aurora, Isabela

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office sangkot sa aksidente ang isang pick up truck na minamaneho ni Ariel Sarne, 45- anyos at residente ng Apugan-Loakan, Baguio City

Habang sangkot din ang isang motorsiklo na minamaneho ni Jovelito Espiritu,  40- anyos na residente ng Brgy. Nagrumbuan Cauayan City at back ride nito na si Napoleon Reyno, 40- anyos at residente ng Rizal Alicia, Isabela.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya lumalabas na binabagtas umano ng motorsiklo ang lansangan patungong kanlurang direksyon habang nasa kasalungant naman na direksyon ang pick up truck.

--Ads--

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay nawalan umano ng kontrol ang driver ng pick up truck sa kanyang minamaneho dahilan upang umagaw ito sa linya ng motorskilo.

Nagresulta ang insidente upang sumalpok ang pick up truck sa motorskilo maging na din sa nakaparadang elf sa gilid ng kalsada.

Dahil sa lakas ng impact tumilapon ang dalawang sakay ng motorskilo at nagtamo ng malalang mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.