--Ads--

CAUAYAN CITY – Magsasagawa ng validation ang Dapartment of Social Welfare and Development (DSWD) region 2 sa mga benepisaryo ng Emergency Shelter Assistance (ESA) sa dalawang bayan sa Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni  Ginoong Marciano Dameg ng Disaster and Response Management Division ng DSWD region 2 na ang mga hindi pa nakatanggap ng payout ay sisikapin nilang mababayaran ngayong linggo.

Sinabi pa ni Ginoong Dameg na hindi pa nakukumpletong nabigyan ng ayuda ang mga benepisaryo sa  mga lalawigan ng Isabela, Qurino at Nueva Vizcaya.

Umabot na sa 90% ang kanilang binayaran  habang may nalalabi pang 10%  ang hindi pa nabigyan ng financial assistance.

--Ads--

Kabilang sa 10% na hindi pa nabigyan ng ESA ay ang mga barangay na may mga nagrereklamo kung bakit hindi napasama sa listahan ang kanilang mga pangalan samantalang nasiraan sila ng bahay noong bagyong Rosita.

Kailangan nilang suriin kung valid ang mga reklamo sa dalawang munisipyo ng Isabela.

Ayon kay Ginoong Dameg, magtutungo siya  sa Isabela ngayong araw upang i-validate ang mga  reklamo bago sila magkaloob ng ESA.

Inaasahang maibibigay na  lahat sa susunod na linggo ang ayuda sa  mga benepisaryo ng ESA para sa bagyong Rosita sa region 2.

Ang pahayag ni Ginoong Marciano Dameg.