Binigyang-diin ni Senate President Sherwin Gatchalian ang kahalagahan ng due process at fair play sa bawat yugto ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa kanyang pambungad na pahayag sa pagbubukas ng paglilitis, sinabi ni Gatchalian na ang bawat desisyon ng mga senator-judge ay dapat nakabatay lamang sa Konstitusyon, umiiral na batas, mga tuntunin ng impeachment court, at mga ebidensyang ihaharap ng magkabilang panig.
Iginiit din ni Gatchalian na dapat magkaroon ng patas na pagkakataon ang prosekusyon at depensa na magharap ng ebidensya, magsiyasat at magtanong sa mga testigo, at ilahad ang kanilang mga argumento.
Nangako rin si Gatchalian na gagampanan niya ang kanyang tungkulin nang may katapatan at pagiging patas, habang hinikayat ang kapwa senador na panindigan ang kanilang responsibilidad sa Konstitusyon at sa sambayanang Pilipino.










