--Ads--

Inamin na ng aktor na si Edu Manzano at ng tech CEO na si Ann Cuisia ang kanilang relasyon.

Noong nakaraang Marso 10, 2026, inilabas ang balita tungkol sa relasyon ng dalawa. Nangyari ito sa kasal ng may-ari ng isang online news site na si Franco Mabanta.

Nag-post din si Atty. Darwin Cañete sa Facebook ng mga larawan kasama sina Edu at Ann, pati na rin ang dating Malacañang spokesperson na si Atty. Trixie Cruz-Angeles.

Unang nakitang magkasama sa publiko ang dalawa sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution noong Pebrero 22.

--Ads--

Maraming showbiz personalities ang nakiisa sa nasabing prayer rally. Bukod kay Edu, spotted din sa lugar sina Iza Calzado, Dulce, Noel Cabangon, Arman Ferrer, at ang APO Hiking Society.