--Ads--

Inaasahang lalampas sa $50 bilyon ang electronic exports ng Pilipinas ngayong taon dahil sa lumalaking paggamit ng AI at exemption sa taripa ng US.

Ayon sa Semiconductor and Electronics Industries in the Philippines Foundation Inc. (SEIPI), maaabot ang $52.12 bilyon, pataas ng 16.11% mula noong nakaraang taon. Bagama’t wala pang AI chip production sa bansa, nakakapag-produce na ang Pilipinas ng mga kagamitan na sumusuporta sa AI ecosystem.

Patuloy ang industriya sa “wait-and-see” mode dahil sa hindi tiyak na US tariff, ngunit higit sa 380 kumpanya sa SEIPI ang nagpapatakbo ng “business-as-usual.”

Pinagtutulungan ng SEIPI at DTI ang diversification ng merkado at sourcing ng imported components upang protektahan ang industriya.

--Ads--

Itinalaga rin ni Pangulong Marcos Jr. si Ralph Recto bilang chairperson ng SEIAC para i-accelerate ang transition ng industriya patungo sa higher-value IC design at mapalakas ang kakayahan sa teknolohiya ng bansa.