--Ads--

Pumanaw na sa edad na 46 ang Emmy Award-winning voice actor na si Eric Bauza, na nakilala sa pagbibigay-boses sa mga sikat na karakter na sina Bugs Bunny at Daffy Duck sa animated series na “Looney Tunes.”

Kinumpirma ng pamilya ni Bauza ang kaniyang pagpanaw sa isang pahayag na ibinahagi sa kaniyang opisyal na Instagram account nitong Lunes, Oktubre 26, 2026.

Ayon sa pamilya, biglaan ang pagpanaw ng aktor, subalit hindi pa inilalabas ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Bukod sa Bugs Bunny at Daffy Duck, binigyang-buhay rin ni Bauza sa pamamagitan ng kaniyang boses ang iba pang karakter sa “Looney Tunes,” kabilang sina Porky Pig, Tweety Bird at Marvin the Martian, gayundin si Woody Woodpecker.

--Ads--

Nagkamit siya ng Children’s and Family Emmy Award para sa Outstanding Voice Performance in an Animated Program noong 2022 dahil sa kaniyang pagganap sa “Looney Tunes Cartoons.”

Nakatanggap din siya ng mga parangal para sa kaniyang trabaho sa “Bugs Bunny Builders” noong 2023 at “Teen Titans Go!” noong 2025.