--Ads--

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Ex-DILG Sec. Benhur Abalos bilang bagong Cabinet Secretary, ayon sa inanunsyo ng Malacañang ngayong Miyerkules.

Ayon kay Atty. Claire Castro, nakatakdang manumpa sa tungkulin si Abalos sa loob ng araw.

Matatandaang nagsilbi si Abalos bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government mula 2022 hanggang 2024 sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Tumakbo rin siya bilang senador sa halalan noong Mayo 2025 ngunit hindi pinalad na makakuha ng puwesto sa Senado.

--Ads--

Nauna nang ipinahayag ng Pangulo ang hangarin na magkaroon ng mas aktibong papel si Abalos sa pamahalaan matapos ang kanyang pagkatalo sa nakaraang halalan.

Noong huling bahagi ng Mayo, itinalaga rin ni Marcos si Francis Tolentino bilang acting secretary ng Department of Labor and Employment matapos mabigo sa kanyang bid para sa reelection sa Senado noong 2025.

Naging posible ang mga naturang appointment matapos lumipas ang isang taong pagbabawal sa ilalim ng Konstitusyon sa pagtatalaga ng mga natalong kandidato sa anumang posisyon sa pamahalaan.