--Ads--

CAUAYAN CITY – Magbabayad ng mga expert divers ang may-ari ng livestock ship na lumubog sa Japan para tumulong sa nagpapatuloy na search operation sa iba pang Filipino seafarers na nawawala.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na tuluy-tuloy ang rescue operation para sa 36 na nawawalang Pinoy seafarers sa Japan.

Sa katunayan ay naghahanap ang may-ari ng livestock ship ng mga expert divers para makatulong sa paghahanap.

Sinabi ni kalihim Bello na laging nakikipag-ugnayan sa kanya ang mga kamag-anak ng mga nawawalang seafarers.

--Ads--

Dahil dito, gusto niyang makausap nila ang dalawang nakaligtas na naka-quarantine ngayon para malaman nila kung ano talaga ang nangyari.

Matatandaang lumubog ang Gulf Livestock 1 noong September 3, 2020 sa karagatang bahagi ng Japan na may lulan na 43 na crew na kinabibilangan ng 39 na Pinoy seafarers habang nananalasa ang bagyong Maysak.

Ang pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III.