--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagkakubosan na ang stock ng face mask sa mga botika Cauayan City.

Kapansin-pansin na rin ang mga mga karatulang may nakasulat na “no face mask available” sa harapan ng mga botika at maging sa mga mall.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gng. Marites Pudiquet, tendera sa isang botika, sinabi niya na isang linggo na ang nakakaraan simula nang magkaubusan ang kanilang stocks ng face mask.

Ito ay dahil na rin sa dami ng mga bumibili ng face mask bunsod ng napaulat na mga naitalang kaso ng Novel Corona Virus sa pilipinas.

--Ads--

Anya, bagamat dalawang linggo na simula nang nag-order sila ng panibagong stocks ng face mask ay wala pa rin umanong dumarating sa kanila hanggang ngayon.

Maging ang iba pang malalaking botika sa lungsod na tinungo ng Bombo Radyo Cauayan ay wala na ring stock ng face mask.

Samantala, Nababahala ang ilang maglalako sa Pamilihang Lungsod ng Santiago City dahil sa kawalan ng mabibiling face mask sa Merkado.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa ilang nagtitinda sa pamilihang lunsod na nagulat sila ng wala nang mabiling face mask sa mga botika maging sa mga Department stores.

Karamihan sa mga botika at department stores ay naglagay na ng mga karatula na nagsasaad na ubos na ang kanilang mga panindang face mask .

Maging sa mga bayan ng Central Isabela 4 at Ilagan City ay mayroon na ring napaulat na nagkakaubusan na sa mga panindang face mask.