--Ads--

Kinuwestiyon ng Federation of Free Farmers ang malaking pondong inilaan ng pamahalaan sa rice programs dahil hindi umano malinaw ang naging resulta nito sa produksyon ng palay at rice imports.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Leonardo Montemayor, Chairman of the Board ng Federation of Free Farmers, sinabi niyang nakakagalit kung malaki ang pondong inilalabas ngunit hindi nakikita ang malinaw na benepisyo nito sa mga magsasaka.

Umabot umano sa P60 hanggang P80 bilyon kada taon ang inilaan para sa rice programs, kabilang ang libreng pataba, binhi at iba pang subsidized programs.

Binigyang-diin ni Montemayor na dapat masukat ang epekto ng mga programa at matiyak na direktang nakararating ang tulong sa mga benepisyaryo.

--Ads--

Samantala, pinasalamatan niya ang mga non-government organizations na nagbabantay sa paggamit ng pondo at hinikayat ang DA na paigtingin ang monitoring sa mga proyekto, partikular sa farm-to-market roads.