--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipapamahagi na ang financial assistance sa mga tobacco farmers sa Cauayan City  na  mula sa provincial government.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Agriculturist Ricardo Alonzo , sinabi niya na  bukas ng umaga  ay isasagawa ang BRO assistance program sa FLDY Coliseum para sa mga maliliit  na  mga tobacco farmers.

Mayroong 62  tobacco farmers  na nagtanim noong 2018 na benepisyaryo sa naturang tulong o ayuda.

Matatandaang noong nakaraang taon ay naipamahagi na rin ang tobacco excise tax para sa mga tobacco farmers mula sa national government.

--Ads--

Inihayag din ni Eng’r. Alonzo na may mga nagtungo sa kanilang tanggapan noong nakaraang linggo na ilang tobacco farmers mula sa barangay  San Luis na tinatanong ang tulong mula sa PGI na ngayon lamang dumating.

Para naman sa mga tobacco farmers na nagtanim noong 2019 hanggang 2022 ay antayin lamang umano kung kailan darating ang tulong para sa kanila.

Kasabay din ng naturang programa ang pagbibigay  ng BRO-Ed scholarship allowance para sa mga scholars sa Cauayan City.

Bahagi ng pahayag ni City Agriculturist Ricardo Alonzo