--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang fish vendor na kabilang sa high value individual priority 10 target list ng mga awtoridad sa rehiyon dos sa Poblacion, Aritao, Nueva Vizcaya.

Ang pinaghihinalaan ay si Diosdado Ventura, 36-anyos, may asawa, at residente ng Bone South, Aritao, Nueva Vizcaya.

Sa pagtutulungan ng Regional Drug Enforcement Unit, Provincial Drug Enforcement Unit, Aritao Police Station at PDEA Region 2 ang drug buy bust operation na nagresulta sa pagkakadakip ng pinaghihinalaan.

Bitbit ang isang sachet ng hinihinalang shabu ay nakipagtransaksyon si Ventura sa isang PDEA agent na nagpanggap na poseur/buyer kapalit ang P500.

--Ads--

Nakuha rin sa kanyang pag-iingat ang isang Gray pouch na naglalaman ng limang maliliit na pakete ng hinihinalang shabu, isang candy container, isang cellphone at isang lighter.

Samanatala, sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Oscar Abrogena, hepe ng Aritao Police Station, sinabi niya na matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad si Ventura dahil sa pagiging kabilang nito sa Priority List.

Aniya, ang pinaghihinalaan ay kabilang sa Community Based Rehabilitation and Wellness Program ng kanilang barangay at napag-alamang bumalik siya sa iligal na pagtutulak ng droga dahil sa pagpositibo niya sa random drug test.

Dagdag niya na ginagamit ni Ventura ang kanyang trabaho upang makabenta ng iligal na droga.

Tinig ni PCapt. Oscar Abrogena.