--Ads--
Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na nananatiling matatag ang fuel supply ng bansa kahit bahagyang bumaba ang imbentaryo kumpara noong nakaraang linggo.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, sapat pa rin ang kabuuang fuel stock ng Pilipinas hanggang 45.33 araw batay sa kasalukuyang konsumo.
Ipinaliwanag ng DOE na hindi nakababahala ang pagbaba ng suplay dahil may sapat na inaangkat na langis mula sa ibang bansa at nananatiling stable ang international supply chains.
Patuloy ring mino-monitor ng ahensya ang galaw ng mga oil company upang matiyak na hindi bababa sa komportableng antas ang fuel reserves ng bansa.
--Ads--
Batay sa datos ng DOE, may supply coverage na 46.85 araw para sa gasolina at 45 araw para sa diesel.











