--Ads--
Bahagyang bababa ang pamasahe sa eroplano matapos ibaba ng Civil Aeronautics Board ang fuel surcharge mula Level 18 sa Level 15 simula Mayo 16 hanggang 31.
Dahil dito, mas mababa na ang dagdag-singil sa domestic at international flights kasunod ng pagbaba ng presyo ng jet fuel sa pandaigdigang merkado.
Ayon sa International Air Transport Association, bumaba ng 10 porsyento ang average global jet fuel prices nitong mga nakaraang linggo.
Sinabi ng CAB na patuloy nitong mino-monitor ang galaw ng presyo ng langis kaya ginawa na nitong kada 15 araw ang evaluation ng fuel surcharge upang mas mabilis na makaangkop sa market changes.
--Ads--






