--Ads--

CAUAYAN CITY – Isang bagong sakit ang umaatake  sa mga palayan sa ikalawang rehiyon ngayong malamig ang panahon.

Ito ay ang rice blast na umaatake sa dahon ng  mga palay na nagiging brown.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Senior Science Research Specialist Cenon Mallillin ng DA region 2 Crop Protection  Station na lumabas sa kanilang pagsasaliksik na ang rice blast o amag ay umaatake sa dahon ng mga palay kapag malamig ang panahon.

Umaatake ang fungus kapag malamig ang panahon sa gabi at mahamog tuwing umaga na  susundan ng mainit na panahon sa araw.

--Ads--

Ayon kay Ginoong Mallillin, sa  mga nagdaang taniman ay may napansin na silang minimal na kaso ng rice blast.

Ngayong taniman aniya ay umaabot sa moderate hanggang severe ang mga naitalang  kaso ng  rice blast dahil hindi alam ng mga magsasaka na i-diagnose at hindi tamang pesticide ang kanilang nagagamit.

Nakakahawa aniya ang  amag dahil naililipad ito ng malakas na hangin.

May mga hindi naagapan habang nakarecover ang ibang palayan matapos na ma-ispreyan ng fungicide.

Nabigyan na ng technical briefing ang mga magsasaka na biktima ng rice blast ang mga palayan.

Ayon kay Ginoong Mallillin, hindi lang ang  amag ang umaatake sa mga palayan kundi suliranin din ng mga magsasaka ang rice black bug maging ang mga daga.

Sa mais ay problema ng mga mgsasaka ang fall army worm.

Ayon kay Ginoong Mallilin, ang mga  Municipal Agriculture  Offices (MAO) ay dapat na magmonitor, magkaroon ng validation at magbigay ng report para agad na makagawa ng  action ang DA region 2.

Ang pahayag ni Ginoong Cenon Mallillin