--Ads--

Nanguna si Gazini Ganados sa hanay ng mga Pilipinang kalahok sa unang preliminary round ng MGI All Stars pageant na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Nagtala ang dating Miss Universe Philippines 2019 ng average score na 8.70 matapos makakuha ng 9.39 sa evening gown competition at 8.01 sa “bare-face” segment dahilan para pumuwesto siya sa ika-13 pwesto sa kabuuang talaan.

Pumangalawa naman sa Team Philippines si Fuschia Anne Ravena na nasa ika-17 pwesto matapos makakuha ng average score na 8.33.

Kasunod sina Imelda Schweighart sa ika-23 pwesto at Keylyn Trajano sa ika-25 pwesto habang nasa ika-41 pwesto naman si Alexia Nuñez.

--Ads--

Pinangunahan ng kandidata mula Mexico na si Vanessa Pulgarin ang unang preliminary round habang pumangalawa si Faith Maria Porter ng Ghana.

Samantala, umani naman ng reaksiyon mula sa mga netizen ang mababang scores na ibinigay ng ilang judges kay Ganados lalo na sa “bare-face” competition.