--Ads--

Opisyal nang idineklara ang state of calamity sa General Santos City kasunod ng naging pinsala ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa kalapit-bayan nitong Maasim, Sarangani.

Ikinasa ang deklarasyon matapos magtamo ng malalaking pinsala ang mga imprastraktura sa lungsod. Kabilang sa mga pinakaapektadong istruktura ang isang dalawang palapag na supermarket sa Barangay Calumpang na tuluyang gumuho dahil sa lakas ng pagyanig. Sa kasalukuyan, dalawang bangkay na ang narekober ng mga otoridad mula sa guho ng nasabing establisyimento.

Bukod sa supermarket, hindi rin ligtas sa bagsik ng lindol ang Holy Cross Parish Church at ang mismong gusali ng City Council na kapwa nagtamo rin ng matitinding pinsala.