--Ads--
Nagtala ng panibagong Guinness World Record ang 32-anyos na German na si Andre Ortolf matapos makaputok ng 60 lobo gamit lamang ang plunger sa loob ng 30 segundo.
Nalampasan nito ang naunang rekord ng Amerikanong si Kevin Daane na nakaputok ng 23 lobo noong 2025.
Ayon kay Ortolf, natapos niya ang hamon sa loob lamang ng 24 segundo at naniniwala siyang kaya pa niyang mapabuti ang rekord sa pamamagitan ng mas maraming ensayo.
Kilala si Ortolf sa pagtatala ng iba’t ibang Guinness World Records para sa mga kakaiba at hindi pangkaraniwang hamon.
--Ads--









