--Ads--

Isang pambihirang kuwento ng survival at pag-asa ang hatid ng siyam na magkakapatid na nonuplets mula Mali na naging bahagi ng medical history matapos silang lahat na makaligtas sa kanilang pagsilang.

Sina Halima Cissé at Abdelkader Arby ang mga magulang ng limang babae at apat na lalaki na isinilang sa Morocco noong Mayo 4, 2021 sa pamamagitan ng cesarean section.

Dahil premature at napakaliit ng kanilang timbang nang ipanganak, kinailangan ng siyam na sanggol ang masusing medical care. Gayunman, nalampasan nila ang mga panganib at lahat ay nakaligtas.

Itinuturing silang unang documented nonuplets sa kasaysayan na lahat ay nakaligtas matapos ipanganak, dahilan upang makilala sila sa Guinness World Records.

--Ads--

Hindi rin naging madali para sa kanilang mga magulang ang pagpapalaki sa siyam na magkakapatid, lalo na’t sabay-sabay ang kanilang pangangailangan. Bukod sa siyam na nonuplets, mayroon din silang nakatatandang kapatid na si Souda.

Sa kabila ng mga hamon, patuloy na lumalaki ang siyam na magkakapatid at naaabot ang mahahalagang developmental milestones.