--Ads--

Nakakuha ng tiket ang Gilas Pilipinas 3×3 Men para sa 2026 FIBA 3×3 U23 World Cup sa Hubei, China matapos manguna sa 2026 FIBA 3×3 Nations League Asia 2 sa Petaling Jaya, Malaysia.

Nasungkit ng Gilas ang kampeonato laban sa Japan, New Zealand, Singapore, at Malaysia. Pinangunahan ang koponan nina Koji Buenaflor, Earl Medina, Jhuniel Dela Rama, Cabs Cabonilas, at Jedrick Daa.

Nagtala ang Gilas ng 520 points upang manguna sa torneo, habang pumangalawa ang Japan na may 470 points.

Ito ang unang pagsabak ng Gilas Pilipinas 3×3 Men sa World Cup matapos ang walong taon, huli noong 2018. Ayon sa SBP, patunay ito na kaya ng mga Pinoy cagers na makipagsabayan sa world-class competition.

--Ads--