--Ads--

Hindi naging maganda ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa
pinakahuling window ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers matapos
matalo sa New Zealand at Australia.

Bagama’t masakit ang pagkatalo, naniniwala si Coach Tim Cone na
matututo ang koponan mula rito. Ayon sa kanya, ang tunay na layunin
ay ang makapasok sa World Cup.

Sa dalawang laro, bumaba ang shooting ng Gilas sa 33% mula sa field at
23.5% sa three-point range. Hindi rin na-maximize ang talento nina Kevin Quiambao at Carl Tamayo na parehong nag-average ng 2.5 points lamang.

Sa kabila ng dalawang pagkatalo, nakapasok pa rin ang Gilas sa Round
2 ng qualifiers matapos talunin ng New Zealand ang Guam. Kailangan lamang nilang ayusin ang opensa at depensa upang mas mapalapit sa tiket para sa World Cup.

--Ads--