--Ads--

Apat na nars na ginamot dahil sa Bundibugyo strain ng Ebola virus ang ligtas na nakalabas ng ospital sa Bunia, Democratic Republic of Congo (DRC) matapos gumaling sa sakit, ayon sa World Health Organization (WHO).

Bukod sa kanila, gumaling din ang isang manggagawa sa laboratoryo, kaya umabot na sa lima ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa virus, habang inaasahan pa ang mas maraming paggaling dahil sa pinaigting na tugon at maagang pagsusuri.

Sa kabila nito, umakyat na sa 282 ang kumpirmadong kaso ng Ebola sa bansa, kung saan 42 na ang nasawi matapos maitala ang 19 na bagong positibong resulta ng pagsusuri.

Samantala, binabantayan na rin ngayon ang mga pinaghihinalaang kaso sa Brazil at Italy na may kaugnayan sa mga biyahero mula sa mga apektadong bansa.

--Ads--

Idineklara na ng WHO ang outbreak ng pambihirang Bundibugyo strain na ito sa DRC at Uganda bilang isang “public health emergency of international concern,” bagamat nilinaw ng ahensya na hindi pa ito umaabot sa pamantayan upang ituring na isang pandemic emergency.