--Ads--
Panalo ang Gilas Pilipinas sa kanilang dalawang tune-up games bago ang 3rd window ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers matapos tambakan ang Franklin Bulls, 94-66, sa New Zealand.
Pinangunahan ni Carl Tamayo ang Nationals sa kanyang 22 points habang nagdagdag si Dwight Ramos ng 19, kahit wala sa lineup sina Justin Brownlee at Mike Phillips.
Ito na ang ikalawang sunod na tune-up win ng Gilas matapos ding talunin ang Manawatu Jets, 92-61, noong Linggo.
Susunod na haharapin ng Pilipinas ang New Zealand sa Hulyo 3 bago makasagupa ang Australia sa Hulyo 6 para sa huling dalawang laro nito sa unang round ng World Cup Qualifiers.
--Ads--











