--Ads--

Nakabawi ang Gilas Pilipinas matapos tambakan ang Kazakhstan, 109-78, upang maitala ang unang panalo sa men’s basketball tournament ng 20th Asian Games sa Aichi International Arena sa Japan.

Pinangunahan ni Jerrick Ahanmisi ang opensa ng Gilas matapos kumamada ng 22 pts, habang nagdagdag si Robert Bolick ng 20 pts at dalawang assists para tulungan ang koponan na makabangon mula sa pagkatalo nito sa Bahrain sa kanilang unang laro.

Maagang nagtayo ng 11-0 abante ang Gilas at tuluyang nakontrol ang laban hanggang sa dulo upang mapanatiling buhay ang kampanya nito sa pagtatanggol ng titulo sa Asian Games.

Susunod na makakaharap ng Gilas Pilipinas ang China sa Setyembre 14 para sa kanilang ikatlong laro sa Group C.

--Ads--