--Ads--

Tumaas sa No. 30 spot ang Gilas Pilipinas Women sa pinakabagong FIBA women’s world rankings matapos ang kanilang panalo sa Colombia sa FIBA Women’s Basketball World Cup 2026 Qualifying Tournament kamakailan sa Lyon, France.

May ranggong No. 39 ang mga Pinay cagers bago ang 74-59 pagrapido sa No. 19 Colombians sa huli nilang laro sa qualifiers.

Ito ang kauna-unahang pagsalang ng Gilas Women sa nasabing global qualifying tournament.

Tumapos sa pang-limang puwesto ang mga Pinay ballers sa six-team tournament sa ilalim ng France, Germany, South Korea at Nigeria kasunod ang Colombia.

--Ads--

Natalo ang Gilas Wo­men sa World No. 3 France (66-115), No. 12 Germany (80-113), No. 8 Nigeria (84-101) at No. 15 South Korea (74-105).

Ang South Korea at Nigeria ang kumuha ng dalawang World Cup berths kasama ang France at Germany bilang Olympic silver medalist at host country, ayon sa pagkakasunod.

Ang Gilas Women ngayon ang highest-ranked women’s team sa Southeast Asia at ikaanim sa Asia sa ilalim ng Australia, China, Japan, South Korea at New Zealand.

Bumabandera pa rin ang USA bilang No. 1 kasunod ang France, Australia, China, Belgium, Spain, Canada, Nigeria, Brazil at Japan para kumpletuhin ang Top 10.