--Ads--

Isang Dutch engineer na si Thomas de Wolf ang gumawa ng kakaibang sasakyan para sa kanyang alagang goldfish na si Blub.

Ang sasakyan ay may apat na gulong at isang water tank na nagsisilbing “driver’s seat.” Ang direksyon ng sasakyan ay nakabatay sa galaw ng isda sa loob ng tangke gamit ang motion-sensing technology.

Sa loob ng isang minuto, nakatakbo si Blub ng 40 feet at 3.46 inches, na nagbigay sa kanya ng Guinness World Record para sa “pinakamalayong distansya na na-cover ng isang goldfish sa motion-sensing vehicle.”

Ayon kay de Wolf, layunin niyang ipakita na ang teknolohiyang ito ay maaaring magamit sa mas seryosong paraan, gaya ng pagtulong sa mga taong may mobility issues.

--Ads--

Idinagdag niya na gusto niyang gawing mas masaya ang kanyang trabaho at magbigay-inspirasyon sa publiko kung ano ang posible sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.