--Ads--

CAUAYAN CITY – Pupulungin ngayong araw ng pamahalaang panlalawigan ang lahat ng mga mayor sa Isabela para sa paghahanda sa bagyong Rolly.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Governor Rodito Albano na kahit ang timog na bahagi lamang ng Isabela ang posibleng maapektuhan ng bagyo ay kailangan pa ring maghanda ang lahat ng mga Local Government Units (LGU’s).

Ito ay dahil hindi lamang hangin ang kailangang paghandaan kundi mas lalong delikado ang mga pagbaha.

Ayon kay Gov. Albano, nakipag-ugnayan na rin sila sa hanay ng militar sa Southern Isabela para sa paghahanda sa bagyo.

--Ads--

Inihayag ni Gov. na sa ngayon wala pa namang inililikas subalit nakahanda ang mga evacuation centers ng mga LGUs at lagi ring nakamonitor ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Pinaalalahanan din ni Gov. Albano ang mga mamamayan na ipinagbabawal na ang pagbebenta at pag-inom ng alak.

Ang pahayag ni Gov. Rodito Albano.