
CAUAYAN CITY – Sang-ayon ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela na buksan na ang biyahe ng mga provincial buses sa Kalakhang Maynila patungo sa mga lalawigan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Governor Rodito Albano ng Isabela na mas mapapadali na ang pag-uwi ng mga Locally Stranded Individuals (LSI).
Kailangan din aniyang matulungan ng pamahalaang panlalawigan ang mga local buses na bumibiyahe sa Maynila na pangunahing sinasakyan ng mga mamamayan.
Kapag binuksan na ang biyahe ay tiyak na ipatutupad ang social distancing kaya’t kailangan ang tulong upang hindi malugi ang mga kompanya ng mga provincial buses.
Ayon kay Gov. Albano, maraming ipatutupad na protocol upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga pasahero, tsuper at mga konduktor ng mga provincial buses kayat walang dapat ikabahala.










