--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipinagtanggol ni Governor Rodito Albano ng Isabela ang bise mayor ng Maconacon, Isabela na kabila sa 9 na naaresto sa illegal gambling operation sa isang bahay sa Pengue-Ruyu, Tuguegarao City.

Kasama si Vice Mayor Jolly Taberner ng Maconacon, Isabela sa mga nahuli na kinabibilangan ng dalawang pulis at empleado Department of Agriculture (DA) region 2 dahil sa pagsusugal ng Mahjong.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Governor Rodito Albano, sinabi niya na naniniwala siyang nagkatuwaan lamang ng mga nahuli ang paglalaro ng Mahjong dahil hindi naman tagaroon si Vice Mayor Jolly Taberner.

Gayunman, sinabi ni Gov. Albano na paiimbestigahan niya ang pangyayari at kung mapatunayan na may nangyaring pang-aabuso ay magsasampa sila ng counter charge dahil ni-raid ng mga miyembro ng Tuguegarao City Police Station ang bahay na walang search warrant.

--Ads--

Tiniyak din ni Gov Albano na tutulungan niya si Vice Mayor Taberner kapag itinuloy ang pagsasampa ng kaso laban sa kanila.

Iginiit niya na kahit may tip ay dapat kumuha pa rin ang mga pulis ng search warrant dahil nasa loob ng bahay ang mga nahuli.

Sa ngayon ay ayaw na niya itong lumaki pa at umaasa siya na maareglo na lamang ito lalo na at may mas marami pang dapat pagtuunan ng pansin dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang pahayag ni Gov. Rodito Albano ng Isabela.