--Ads--

CAUAYAN CITY– Namatay ang isang government employee makaraang barilin ng tatlong beses ng kanyang kapatid sa Jones, Isabela.

Ang biktima ay si Damian Samut, 51 anyos, may-asawa, government employee habang ang suspek ay ang nakababatang kapatid na si Ferdie Samut, 50 anyos, kapwa residente ng Dipangit, Jones, Isabela.

Itinawag sa Jones Police Station ni Barangay Kagawad Duardo Malicana ang nasabing pamamaril.

Nagtungo ang mga kasapi ng Jones Police Station sa nasabing barangay at lumabas sa kanilang pagsisiyasat na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkapatid.

--Ads--

Upang makaiwas ay umuwi umano ang pinaghihinalaan ngunit sinundan pa rin siya ng kanyang kapatid at hinamon na labanan siya.

Dahil dito ay kinuha ng suspek ang kanyang baril at binaril ng tatlong beses ang kanyang kuya na nagsanhi ng agaran nitong kamatayan.