CAUAYAN CITY -Namatay ang isang batang bakasyunista makaraang malunod sa ilog na nasasakupan ng Brgy. Palabotan, Dupax del Sur, Nueva Vizcaya.
Ang namatay makaraang malunod ay si Rogelio Villanueva, Grade 4 , 9 anyos , residente ng Bayambang, Pangasinan
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PLt. Bobby Bumanglag, Deputy Chief ng Dupax Del Sur Police Station na ang pamilya ng biktima ay kasalukuyang nagbabakasyon sa nasabing lugar.
Sinabi pa ni PLt. Bumanglag na kasama ng biktima ang kanyang ama at mga pinsan na nagtungo sa ilog upang maligo at magpicnic.
Abala anya ang ama ng biktima sa pag-aasikaso sa dalawa pa niyang anak nang makitang nalulunod ang isa pa niyang anak na kaagad niyang sinaklolohan.
Dinala ng LGU Rescue team ang bata sa Dupax District Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician .










