CAUAYAN CITY – Humihiling bagong financial assistance sa pamamagitan ng DOLE-AKAP ang mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) sa Italy na apektado ng muling pagpapatupad ng lockdown dahil sa muling pagtaas ng kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19).
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Rhoderick Ople, presidente ng OFW Watch Italy, sinabi niya na maaaring mahihirapang makapagpadala sa kanilang pamilya sa Pilipinas ang mga OFWs sa Italy na matitigil sa trabaho dahil sa lockdown.
Maganda aniya kung ang mga Ofw’s ay magkakaroon ng part time job na maaari nilang ipandagdag sa kanilang expenses at puwedeng maipadala sa kanilang pamilya sa Pilipinas.
Nanawagan sila sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa panibagong bugso ng DOLE-AKAP at hiniling na hindi sana marami ang mga requirements upang mabilis itong makuha ng mga OFWs.











