Umakyat sa ₱1.96 trilyon ang kabuuang assets ng Government Service Insurance System (GSIS) noong 2025, mas mataas ng 8.2% kumpara sa nakaraang taon, ayon sa ahensya.
Sinabi ni Wick Veloso, pangulo at general manager ng GSIS, na habang mas malaki ang naipamahaging benepisyo noong 2025, lumago rin ang pondo ng higit ₱148 bilyon. Aniya, bawat piso sa pondo ay para sa seguridad ng mga kawani ng gobyerno at kanilang pamilya.
Umabot sa ₱344.47 bilyon ang kabuuang kita ng GSIS, tumaas ng 6.4% mula 2024, dulot ng insurance revenues at investment returns. Naitala rin ang net income mula sa operasyon sa ₱137.74 bilyon.
Ayon sa GSIS, malaking bahagi ng kita ay nagmula sa social insurance income na ₱212.17 bilyon, habang ang general insurance premiums ay umabot sa ₱11.39 bilyon at ang investment income mula sa financial assets ay ₱76.55 bilyon, na nagpapatibay sa kakayahan ng ahensya na magbigay ng benepisyo sa mga miyembro.








