Patuloy na pinaiigting ng Nagtipunan Municipal Police Station (MPS) ang kampanya laban sa illegal logging kasunod ng pagkakaaresto sa lima hanggang anim na indibidwal mula Marso hanggang sa kasalukuyan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMAJ. Prospero Agonoy, sinabi nitong dalawa na rin ang nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.
Ayon kay PMAJ. Agonoy, nagpapatuloy ang kanilang operasyon laban sa mga sangkot sa iligal na pagputol at pagtransport ng troso sa bayan.
Dagdag pa niya, araw-araw nagsasagawa ng checkpoint operations at police patrol ang Nagtipunan MPS upang mapalakas ang police visibility at mapanatili ang kaayusan at seguridad sa kanilang nasasakupan.
Nanawagan naman ang pulisya sa publiko na makipagtulungan at agad ireport ang anumang ilegal na aktibidad kaugnay ng illegal logging.
Home Local News
Kampanya kontra illegal logging, mas pinaigting ng Nagtipunan Municipal Police Station; ilang indibidwal arestado na
--Ads--











