CAUAYAN CITY -Pansamantalang isinailalim sa tatlong araw na lockdown ang Government Services Insurance System (GSIS) Cauayan Branch matapos na magpositibo sa COVID-19 ang tatlong empleyado ng nasabing tanggapan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Branch Manager Lanie Castello ng GSIS Cauayan Branch, sinabi niya na kinialangang isailalim sa lockdown ang kanilang tanggapan matapos na maitala ang tatlong sunod-sunod na kaso ng COVID-19.
Aniya,pansamantalang ipinatupad ang lockdown para bigyang daan ang isasagawang disinfection.
Magtatagal ang lockdown mula ngayong araw hanggang araw ng Biyernes, jANUARY 8, 2021.
isinailalim na rin sa strict home quarantine ang mga direct contact ng mga nagpositibo sa virus at inaasahang matatapos ito sa January 10, 2021.
Sa kabila nito ay tiniyak ng GSIS Cauayan Branch na tuloy pa rin ang mga transaction online at ang tanging apektado lamang ay ang mga over the counter transaction dahil maraming mga empleyado ng tanggapan ang isasailalim muna sa work from home.











