CAUAYAN CITY– Aabot sa halos 1,000 rooms sa buong Region 2 ang magagamit sa Licensure Examination for Teachers (LET) sa Marso, 2021.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Officer-In- Charge Danilo Gumabay ng Licensure & Registration Division ng PRC Region 2 na aabot sa 7,035 ang nakatakdang mag-exam sa Marso sa buong region 2.
Bilang tugon sa mga panuntunan ay 8 indibiduwal na lamang ang gagamit sa isang room na dati ay 25 kaya aabot sa 880 classrooms ang kailangan.
Sila sana ang mga mag-eexam noong Marso at Setyembre, 2020 subalit hindi natuloy dahil sa pandemya.
Sinabi niya na dalawang lugar na ang pagsasagawaan ng examinations na kinabibilangan ng Cauayan City at Tuguegarao City.
Tiniyak niya na may mga ipapatupad na health protocols sa pagsasagawa ng examination kabilang na rito ang pagsailalim sa 14-days quarantine o magpa-swab test bago tuluyang makapag-exam ang mga examinees.
Sa mga gusto namang palitan ang kanilang schedule sa Marso at ilipat sa Setyembre ay kailangang gumawa ng request letter at dapat ay valid ang dahilan .
Ibigay lamang ito sa PRC Regional Office sa Tuguegarao City gayunman ay nagpaalaala siya na hanggang sa January 20, 2021 ang deadline ng paghahain.
Maari naman itong isumite online gamit ang official email address ng PRC Tuguegarao na prc2.apllication@gmail.com.











