CAUAYAN CITY– Umaabot na sa 175 kabang bigas at dalawang truck ng gulay ang ipinagkaloob ng pamunuan ng Department of Agriculture region 2 sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas.
Ito ay makaraang ipag-utos ni Agrculture Secretary William Dar sa lahat ng kanilang regional office na magbigay na rin ng tulong sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Roberto Busania, Regional Technical Director for Operation ng DA region 2 na bilang tugon sa kautusan ng Agricullture Secretary nagpadala na sila ng mga bigas at nagbigay na rin ng dalawang truck ng mga gulay ang Nueva Vizcaya Agricultural Terminal.
Sinabi pa ni Dr. Busania na nagpulong na rin ang kanilang tanggapan at pinag-usapan ang pagpapadala pa ng mga karagdagang tulong.










