--Ads--

CAUAYAN CITY – Stranded ngayon ang 28 Pinoy crew members ng isang barko sa Uruguay matapos na makagpatala ng kaso ng coronavirus disease ( COVID 19).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gng. Anna Maria Zosa, isang guro sa Uruguay, sinabi niya na ang barko na sinasakyan ng mga pinoy ay papunta sa Antarctica.

Aniya, nagkaroon ng outbreak ng COVID-19 sa mga crew ng nasabing barko at ang bansang Uruguay lamang ang pumayag na sila ay makadaong.

Binigyan sila ng medical attention at nanatili sa barko ng 40 araw bago dinala sa isang hotel kung saan sila naka-isolate ngayon.

--Ads--

Ayon kay Ginang Zosa, nasa walumpo ang crew ng barko at natagalan silang mai-evacuate dahil nagkahawaan na sila.

Sa ngayon ay patuloy ang kanilang pagrekober.

Tinig ni Gng. Anna Maria Zosa, guro sa Uruguay

Dagdag pa ni Ginang Zosa na may isang Pilipino crew na namatay noong Abril.