--Ads--

CAUAYAN CITY– Umakyat na sa 49 ang COVID-19 cases na nasa pangangalaga ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC).

Maliban pa ito 22 suspect cases na patuloy na nilang binabantayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Glenn Matthew Baggao, medical center chief ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC), sinabi niya na 14 sa nasabing bilang ay mula sa Cagayan habang 13 sa Isabela.

Sa kabila ng tumaas ang bilang ng mga pasyenteng naka-admit sa CVMC ay wala sa kanila ang nasa critical o severe cases.

--Ads--

Samantala muling nakapagtala ng mortality ang CVMC na kinabibilangan ng isang 73 anyos na babaeng may multiple comorbidities na may referral mula sa San Antonio Hospital sa Lunsod ng Ilagan.

Ang nasabing pasyente ay naunang dumanas ng stroke at nasa Kritikal na kondisyon na ng mailipat sa CVMC.

Samantala nagpaliwanag ang pamunuan ng CVMC na may mga mortality silang naitatala na walang travel history o exposure sa pasyente na apektado ng virus dahil posibleng nahawa sa mga COVID-19 patient na hindi nagpapakita ng anumang sintomas.

Ayon kay Dr. Baggao, mahalaga ang wastong pag-aalaga sa sarili at pagpapanatili ng isa o higit pang metro ng distansiya upang matiyak ang kaligtasan mula sa virus pangunahin na sa mga carriers na hindi nagpapakita ng sintomas o asymptomatic.

Natutuwa si Dr. Baggao dahil sa patuloy na dedikasyon sa trabaho ng kanilang mga health workers sa kabila ng mga hirap at pagod na kanilang kinakaharap at hindi rin sila nakakauwi sa kanilang mga pamilya.

Tinig ni Dr. Glenn Matthew Baggao ang medical center chief ng CVMC