--Ads--

Nasungkit ni England captain Harry Kane ang 2026 Ballon d’Or matapos kilalanin bilang pinakamahusay na male football player sa buong mundo sa seremonyang ginanap sa London nitong Lunes, Oktubre 26.

Nalagpasan ng striker ng Bayern Munich sina Kylian Mbappe ng Real Madrid at Lamine Yamal ng Barcelona sa karera para sa prestihiyosong indibidwal na parangal.

Sa pagkapanalo ni Kane, natapos ang 25 taong paghihintay ng England na magkaroon ng bagong Ballon d’Or winner. Huling nakakuha ng parangal mula sa nasabing bansa si Michael Owen noong 2001.

Si Kane na ang ikalimang Englishman na nagwagi sa naturang parangal, kasunod nina Sir Stanley Matthews, Sir Bobby Charlton, Kevin Keegan at Owen.

--Ads--

Sa kaniyang acceptance speech, hindi napigilan ni Kane ang maging emosyonal at inaming halos hindi siya makapagsalita dahil sa labis na kasiyahan. Nagpasalamat din siya sa France Football at sa lahat ng bumoto para sa kaniya, at sinabing higit na naging makabuluhan ang tagumpay dahil sa London mismo ginanap ang seremonya.

Malaki ang naging ambag sa kaniyang pagkapanalo ng pambihirang performance noong 2025–2026 season. Nakapagtala siya ng 73 goal sa 65 laro para sa Bayern Munich at England, kabilang ang 61 goal sa club at 12 para sa national team.

Nakatulong din si Kane sa championship ng Bayern Munich sa Bundesliga at DFB-Pokal. Samantala, nagtapos sa ikatlong puwesto ang England sa 2026 FIFA World Cup, kung saan naitala rin ni Kane ang all-time leading World Cup goalscorer ng bansa.

Bukod sa Ballon d’Or, naiuwi rin ni Kane ang Gerd Müller Trophy bilang pinakamahusay na men’s striker sa nasabing season.