--Ads--

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpapatupad ng hold departure order o HDO na inilabas ng Sandiganbayan laban kina dating House Speaker Martin Romualdez, Felicito Cristobal Guevarra, dating Congressman Elizaldy “Zaldy” Co, at Joselyn Serenio.

Ayon sa BI, nananatili sa Pilipinas sina Romualdez at Guevarra, habang nasa labas naman ng bansa sina Co at Serenio. Nauna nang nakalabas ng bansa ang dalawa bago pa man inilabas ang HDO laban sa kanila.

Sinabi ng BI na mahigpit nitong ipatutupad ang HDO at magsasagawa ng mga kaukulang hakbang alinsunod sa mandato nito.

Hindi naman nagbigay ang ahensya ng detalye sa biyahe nina Co at Serenio dahil sa mga probisyon ng Data Privacy Act.

--Ads--