--Ads--

CAUAYAN CITY– Naitala ang kauna-unahang positibo sa COVID-19 sa Burgos, Isabela sa katauhan ng hepe ng Burgos Police Station

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan,kinumpirma mismo ni PCaptain Fernando Mallillin , hepe ng Burgos Police Station na nagpositibo siya sa COVID-19 bagamat nanatili pa rin siyang asymptomatic.

Sinabi ni Captain Mallillin na sumailalim siya sa swab test matapos makasalamuha ang mga nagpositibo sa virus.

Kaagad anya siyang nagpakonsulta sa Doctor ng RHU Burgos at agad na rin siyang pina-isolate at nag-home quarantine ng pitung araw.

--Ads--

Hindi rin anya siya nagreport sa kanilang himpilan ng pulisya.

Isinailalim anya siya sa swab test noong January 2, 2021 at positibo ang kinalabasan kaya’t naka-quarantine siya ngayon sa loob ng pitung araw at patuloy siyang minomonitor ng Doctor ng RHU Burgos at mga kinatawan ng DOH region 2

Bagamat kinabahan siya noong nagpositibo sa virus ay mas mabuti anyang nalaman niyang positibo siya sa kabila na nanatili siyang asymptomatic.

Sa kabila nito ay nanatiling operational ang kanilang himpilan at nanatiling nagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ng kanilang Deputy Chief Of Police.

Mahigpit pa ring ipinapatupad ang mga health protocols sa loob at labas ng kanilang himpilan.

Ang bahagi ng tinig ni PCaptain Fernando Mallillin