Kasabay ng init ng tag-init, uminit din ang sigalot sa pagitan ng ilang anak ng yumaong Nora Aunor matapos gunitain ang unang anibersaryo ng kanyang pagpanaw.
Lumabas ang hidwaan nang linawin ni Lotlot de Leon na wala silang ugnayan sa itinatag umanong Nora Aunor Enterprise and Foundation ni Ian de Leon.
Samantala, nagpahayag ng sama ng loob si Matet de Leon laban sa mga bashers na pumuna sa kanilang pagbisita sa Libingan ng mga Bayani, na aniya ay naging emosyonal at masakit para sa kanilang pamilya.
Umani rin ng matitinding reaksyon ang sunod-sunod niyang social media posts, kung saan ipinagtanggol niya ang kanilang pamilya at sinagot ang mga negatibong komento.
Bunsod ng mga insidente, nabanggit din na napagdesisyunan ng magkakapatid na iwasan na ang sabay-sabay na pagbisita sa puntod ng kanilang ina tuwing may okasyon.






