CAUAYAN CITY- Umabot sa 2,257 na confiscfated campaign materials ang kanilang nasamsam sa unang bugso ng OPAN Baklas ng Commission on Election o COMELEC.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Election Supervisor Atty. Manuel Castillo, sinabi niya na ilang mga campaign materials ng mga senatorial candiates and partylist ang kanilang binaklas na nakalagay sa mga maling lugar.
Aniya bagamat hindi sila maaaaring mag tanggal ng posters o tarpaulins sa mga private areas ay binibigyan nila ng sulat ang mga kandidato para sila mismo ang magpatanggal nito subalit kung hindi sila tatalima at muling ibabalik ang campaign material ay maaari na nila sampahan ng reklamo o election offense ang kandidato kalakip ang mga documentary evidence ng paglabag.
May mga pagkakataon aniya na ang posters ay ipinagawa mismo ng supporters kaya maaaring sila mismo ang sulatan ng COMELEC para alisin ang kinabit nilang posters.
Ang mga nasamsam na election paraphernalia ay kanilang itatago .
Maliban sa OPLAN baklas ay abala na rin ang COMELEC Isabela sa pagsasanay para sa technical support sa mga gurong magsisilbi sa halalan.
Kung matatandaan na kahapon ay nagkaroon rin ng peace covenant para sa mga kandidato sa buong Lalawigan na tatakbo ngayong midterms elections hindi naman lahat ng kandidato ay dumalo dahil sa masamang lagay ng panahon.