--Ads--
Pinayagan ng International Criminal Court (ICC) ang mga prosecutor na suriin ang mga impormasyong nakuha mula kay dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kanyang pagkakaaresto.
Gayunman, hindi pinagbigyan ng ICC ang kahilingan ng prosekusyon na magkaroon ng access sa lahat ng datos mula sa kanyang mga gamit dahil kulang umano ito sa sapat na batayan at maaaring makaapekto sa karapatan sa privacy ng iba pang indibidwal.
Pinuna rin ng korte ang mga prosecutor dahil sa huli nilang paghiling ng access, mahigit isang taon matapos nilang malaman ang tungkol sa naturang mga impormasyon.





