--Ads--

Inaprubahan ng International Criminal Court (ICC) ang kahilingan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dumalo sa kanyang detention hearing na nakatakda sa Pebrero 27, 2026.

Ayon sa apat na pahinang ruling ng ICC Pre-Trial Chamber I na may petsang Pebrero 25, inaprubahan ng hukuman ang written request ni Duterte noong Pebrero 23, kung saan nakasaad ang pag-waive nito sa kanyang karapatan na personal na dumalo sa taunang hearing tungkol sa kanyang detention.

Ang taunang hearing ay itinakda sa Biyernes, Pebrero 27, alas-2 ng hapon sa The Hague, kasabay ng huling araw ng confirmation of charges hearing laban sa dating Pangulo.

“The Chamber notes Mr. Duterte’s statements that he understands that he has a right to be present at the hearing but ‘wish[es] to waive this right’ and that his ‘Counsel has explained to [him] the legal consequences emanating from such a waiver,’” ayon sa  ICC Pre-Trial Chamber I.

--Ads--

Dagdag pa ng hukuman, dahil walang nakasaad sa legal framework ng Korte na obligadong dumalo ang suspek sa hearing na itinatadhana ng Rule 118(3) ng Rules, itinuturing ng Chamber na angkop na aprubahan ang kahilingan ni Mr. Duterte sa kasalukuyang sitwasyon.

Ang written request ng dating Pangulo ay isinumite ng depensa noong Lunes, ika-23 ng Pebrero.